Sa gitna ng kalungkutan ni Rizal, nakatanggap siya ng telegrama mula kay Dr. Maximo Viola na noo'y papunta sa Berlin. Binisita siya nito noong Disyembre 11, 1886. Ang kaibigang ito ni Rizal ay nagmula sa mayamang pamilya ng San Miguel, Bulacan. Ikinagulat niya ang paghihirap at pagkakasakit ng kaibigan. Nang malaman niya ang dahilan, pumayag siya na tustusan ang pagpapalimbag ng Noli. Pinahiram din niya ito ng panggastos sa araw - araw. Kaya naging masaya ang Pasko ni Rizal at Viola noong 1886.
Pagkaraan ng kapaskuhan, inayos ni Rizal ang kanyang nobela, Inalis niya ang ilang bahagi ng manuskrito kasama na ang buong kabanata ng Elias at Salome.
Noong Pebrero 21. 1887, natapos ni Rizal ang Noli at handa na ito para mailathala. Kasama si Viola, nagsarbey sila ng mga limbagan para sa Noli. Pagkaraan ng ilang araw ng pagtatanong, nakakita sila ng isang imprenta - ang Berliner Buchdruckrei - Action - Gesslsschaft - na may mababang singil, 300 piso para sa 2,000 sipi ng nobela.
No comments:
Post a Comment