Welcome To My Noli Blogspot ;
Your Noli Me tangere source.

Monday, 30 November 2009

KABANATA 20 - PULONG SA BAYAN

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

1 comment:

  1. Buod:
    KABANATA 20 – PULONG NG BAYAN
    May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting, Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdiriwang para sa pista ng San Diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap. Lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayuma’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam nag kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ng kura para sa pista.

    ReplyDelete