Welcome To My Noli Blogspot ;
Your Noli Me tangere source.

Monday, 30 November 2009

Ang Pagsulat ng Noli

Ideya

Ang Pagbabasa ni Rizal ng nobelang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe, na naglalarawan sa kaawaawang kalagayan ng mga pinagmalupitang alilang negro ay nakaimpluwensiya kay Rizal upang isulat ang Noli Me Tangere. Partikular na pinaksa ng kanyang Noli ang mga paghihirap ng kanyang mga kababayan sa kamay ng pananakop ng mga Kastila.

Ipinanukala ni Rizal sa kanyang mga kaibigang manunulat ang pagsulat ng nobelang tatalakay sa aspekto ng buhay sa Pilipinas. Nangyari ito sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero 2, 1884. Halos lahat ay sumang-ayon sa ideya gaya nina Pedro, Maximo, at Antonio Paterno; Graciano Lopez - Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente at Valentin Ventura.

Sa kasamaang palad, hindi naisakatuparan and proyekto ni Rizal. Ang mga kababayang dapat ay katulong niya sa pagsulat ng nobela ay walang naisulat. Mas gusto ng kanyang mga kaibigan ang paksa ukol sa kababaihan. Ikinainis ni Rizal ang ganitong pag-uugali dahil sinasayang ng mga kasamahan niya ang kanilang panahon sa pagsusugal at pambababae. Kaya ipinasya ni Rizal na siya na lamang ang magsusulat ng nobela.

Ang Pagsulat

Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng nobela sa MAdrid noong huling buwan ng 1884, at natapos niya ang kalahati nito. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa Paris noong 1885 at natapos niya ang ikalawang hati. Natapos niya ang huling sangkapat ng nobela sa Alemanya. Isinulat niya ang mga huling kabanaa ng Noli sa Wilhemsfeld noong Abril - Hunyo 1886.

Ginawa ni Rizal ang rebisyon ng huling manuskrito ng Noli sa Berlin noong Pebrero 1886. Muntik na niang sunugin ang manuskrito at nawalan siya ng pag-asang mailathala ito dahil naubusan siya ng pera at sinabayan pa ng kanyang pagkakasakit. Pinanghinaan siya ng loob dahil sa gutom at paghihikahos.

No comments:

Post a Comment