Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.
Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.
Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat… subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.
No comments:
Post a Comment