Welcome To My Noli Blogspot ;
Your Noli Me tangere source.

Monday 30 November 2009

KABANATA 22 - LIWANAG AT DILIM

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.

Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.

Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

1 comment:

  1. Buod:
    KABANATA 22 – DILIM AT LIWANAG
    Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos maagkapanabay na pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at Padre Salvi. Gayuman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan pa ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa Kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik . Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya na humihingi ng tulong.

    ReplyDelete